Komposisyon ni Emmanuel Ian R. Gabatin
Simula noong una na sumikat ang “video games” marami na nag sabi na ito ay nag sasayang ng oras dahil wala itong halaga at nakakasira ng ulo ng bata. Pero hindi nila naiintindihan ng mga matatanda na ito ay kaparehas ng mga laro nila noong bata rin sila, nagiiba lang ang porma.
Ang games o “gaming” as kaparehas lang ng kanilang dating mga larong lansangan parang tumbang preso o mga board games parang chess. Nakalagay sa screen man, kailangan pa rin ang parehas na hinihingi sa mga larong pisikal, kailangan pa rin mag isip at mag plano ng maglalaro at marami sa mga video games ay linararo kasama ibang mga “gamer” sa mga “multiplayer games”.
Kumpara din sa mga laro na may sports, ang mga video games ay mayroon din “e-sports” na may malaki na negosyo. Minsan din, mas maganda na mag laro ng mga video games ang mga kabataan dahil maraming mga laro ay nakakadagdag sa kaalaman nila at pwede mag bigay sa kanila ng mga bagong pagmahal sa mga ibat ibang paksa na hindi nila maaalam kung walang video games.
Sa kabuoan, ang gaming ay hindi masama at hindi sayang oras sa mga kabataan ngayon dahil parang lahat ng mga laro, parehas lang ang natututunan nila sa mga video games pag tinabi sa mga “traditional” na laro. Pwede rin masabi na mas nakaktulong sa kabataan ang video games kaisa sa traditional na mga laro.