Internet

Komposisyon ni Emmanuel Ian R. Gabatin

Marami na tao ngayong panahon, simula dati pa, ay nag sasabi na masama ang internet, at nasisira nito ang mga buhay ng mga kabataan. Hindi ito totoo. Internet ang isa sa mga pinaka maganda na naibigay sa atin. Maraming masama ito, pero marami din ito maganda naidulot.

Madalas sinasabi ng mga magulang o mga matatanda na nakaka ubos lamang ang pag i-internet, at dapat matuto ang mga mas bata na henerasyon na lumabas at gawin ang mga ginawa nila dati, katulad ng pag punta sa library, o mag laro kasama ang mga kaibigan sa labas ng bahay. Ang hindi naiintindihan nila ay dahil iba na ang panahon, iba na rin ang mga pang-aliw ng mga kabataan. Andito na ang internet, at dahil doon, mas madami ang na kikita na ng mga tao ngayon. Pwede ka magkaibigan kahit naka upo ka lang sa bahay, o maka punta sa ibang mundo sa pag laro ng mga “video games” kasama ang mga nagawa mo na kaibigan. Tama naman na maraming bagay na masama na nasa internet, at pwede rin maging adik ang mga tao sa pag ubos ng oras dito, pero ito rin ay isang biyaya na nag sama sama sa atin at nag pa lapit ng mga tao sa buong mundo, kahit saan man sila nakatira.

Hindi perpekto ang internet, pero hindi rin ito masama. Ito ay bago at kalabasan ng pag iba ng teknolohiya sa panahon. Hindi dapat ito i isangtabi at tawaging pang sayang sa oras, dahil maraming tao ngayon ay na tulungan na ng internet sa maraming aspekto ng buhay nila.

Leave a comment