Komposisyon ni Emmanuel Ian R. Gabatin
Madalas sa panahon ngayon ay kakaunti na lang ang mga nakaka-appreciate ng sining dahil sa pag-pokus ng marami sa kung ano ang makakapagbigay ng pinaka Malaki na kita. Nakakalimutan na ng marami na sa lahat nang bagay ay mayroong artist na nagpapaganda nito. Sinasabi na walang halaga ang pasyon na paggawa ng sining at walang mapapala ang kung sino man ang pumasok dito.
Simula bata ako, mahal ko na ang sining, lalo na ang pagguguhit, at noon hanggang pag-tanda ko, sobrang dami ng mga tao na nagsasabi sakin na hindi maganda na habulin ang pasyon na ganon o kung bakit hindi nalang ako mag habol ng ibang trabaho na maspagkikitahan. Lagi nalang ay sinasagot ko na mahal ko to at mahal ko ang pag gawa ng magaganda na bagay para mag pasaya sa mga tao dahil ang sining ang nagbibigay buhay sa maraming parte ng buhay. Isa tahanan, isang painting, isang kotse, or isang bag, lahat ng mga bagay na ito ay binigyan buhay ng isang artist na nagtatanong “Paano ko bibigyan ng kaligayahan ang mga tao na bibili nito?”. Madalas nalang hindi naiintindihan ng mga tao na hindi lang mga siyensiya o pagiging enhinyero ang importante, pati ang mga nagsusulat, nag aarte, nag pipinta, at nag dedesign ng mga damit.
Sa kabuuan ay talaga na marami na hindi nakakaalam o nakakaintindi na importante ang mga tao na may pasyon sa sining sa kahit ano na larangan, dahil kahit man marami doctor, hindi sila ang magpapaganda sa ospital, marami man ang enhinyero, hindi sila ang magpapaganda sa mga tahanan na itatayo niya. Ang pagtrabaho para sa pera ay walang saysay kung walang bagay na pagtratrabaho mo na makuha na magpapasaya sa iyo.