Paskong Mapuan

Repleksyong Papel ni Diane Katleen Moya

Ika – 16 ng Disyembre 2019, nagtipon- tipon ang lahat para sa Paskong Mapuan. Mula sa mga estudyante sa Senior High School, Kolehiyo pati na rin ang Faculty at Staff ng paaralan ay nagsama-sama. Isa itong pagdiriwang na nagdulot ng saya bago dumating ang araw ng pasko at bilang kauna-unahan paskuhan na naganap sa kasaysayan ng paaralang Mapua.

Nasubaybayan ng lahat ang kasiyahan dulot ng mga aktibidad na naganap sa paskuhan. Bilang isang estudyande ng paaralan, kami ay nasiyahan na maging parte ng isang malaking selebrasyon. Mula sa pagtulong magdisenyo para sa palamuti para Float sa parada, pati nadin sa pag gawa ng kasuotan para sa kapwa magaaral na gaganap bilang mga tauhan mula sa Little Mermaid na pelikula ng Disney, kami ay nag kaisa upang suportahan amg aming departamento ng School of Media Studies.

Hindi lamang tema ng pelikulang Disney na parada ang naganap, meroon din pasiklaban ng talento na may kalakip na premyo ang isa pang aktibidad sa kasiyahang ito.

Madami din na banda ang tumugtog upang magbigay aliw sa buong paaralan na naganap sa Mapua Gym. Napapabilang na dito ang bandang La Luna na isa sa mga nagsisimula pa lamang na banda sa industriya ng musikang pilipino at ang mga sikat na pop artists na sina Caleb Santos, Donnalyn Bartolome, Bandang Better Days at Vowels They Orbit.

Nagtapos ang selebrasyon sa limang minutong pyro-musical display na may tema rin na pelikulang Disney na tanaw rin sa madaming lugar sa kalakhang Maynila.

Ang paskuhan ay isang magandang tradisyon di lamang para gumawa ng magandang pangalan ang unibersidad ng Mapua, ngunit ito din ay nagsisimbolo ng pagkakaisa ng mga tao upang ipagdiwang ang pagkabuhay ng ating Jesucristo na nag papaalala ng pagmamahal ng ating Dakilang Ama.

Bilang magaaral ng paaralan, isa itong magandang selebrasyon na aming isasapuso at magiging parte ng aming personal na istorya at kasaysayan sa pagaaral sa malaking paaralan ng Mapua University. Di lang kami nagkaisa sa paggawa ng Vlog at pag disenyo ng palamuti, pero itong munting selebrasyon na ito ay naging daan para kami ay magsaya, magkaisa at magdiwang ng kauna-unahang tradisyon na nag sisimbolo na rin upang kami ay gumawa ng makabuluhang buhay na puno ng pagdiriwang. Maligayang Pasko Mapuans!

Leave a comment